Orange rainfall warning nakataas sa ilang lugar sa Bicol region, Northern Samar

By Angellic Jordan October 25, 2020 - 05:15 PM

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, ito ay dulot pa rin ng Typhoon Quinta.

Nakataas ang orange warning sa Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes at Northern Samar.

Samantala, mararanasan naman ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa Masbate, Camarines Norte, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.

Iiral ang nasabing sama ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: Bagyong Quinta, breaking news, Inquirer News, Pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Typhoon Quinta, weather update October 25, Bagyong Quinta, breaking news, Inquirer News, Pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Typhoon Quinta, weather update October 25

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.