Palasyo, ipinaubaya na sa Kamara kung iimbestigahan ang umano’y anomalya sa 30th SEA Games
Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Kamara ang pagpapasya kung iimbestigahan ang umano’y anomalya sa pagho-host ng Pilipinas sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na ang mga kongresista kung iimbestigahan ang kanilang kasamahan na si Taguig Congressman Alan Peter Cayetano.
Si Cayetano ang pinuno sa organizing committee ng SEA Games kung saan umabot sa P6.8 bilyon ang inilaang pondo ng pamahalaan.
Pero ayon kay Roque, may binuo nang fact finding investigation ang Ombudsman.
“We note that the Office of the Ombudsman (OMB) has already created a panel last year to carry out a fact-finding probe in our hosting of the 2019 SEA Games. We welcome this move of the OMB in the same way that we leave the matter to the House of Representatives to conduct an investigation, if need be, on the use of government funds during last year’s SEA Games,” pahayag ni Roque.
Apela ni Roque sa mga nagbabalak na mag-imbestiga, huwag naman sanang sirain ang karangalan ng mga atleta at nag-organisa ng SEA Games na nagbigay karangalan sa bansa.
“The 30th Southeast Asian (SEA) Games showcased not only our local athletes at their best but also demonstrated our successful hosting of a world-class sporting event. Let us, therefore, not dishonor the men and women who gave honor and glory to the country by engaging in political innuendos and witch hunts,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.