BREAKING: COVID-19 recoveries sa Pilipinas, pumalo na sa higit 328,000; 14,944 ang bagong gumaling

Lagpas 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (October 25), umabot na sa 370,028 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 35,015 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,223 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.3 porsyento ang asymptomatic; 2.4 porsyento ang severe habang 4.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 43 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 6,977 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 14,944 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 328,036 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...