Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,155 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Linggo ng umaga (October 25).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,282 o katumbas ng anim porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
20,245 o 91 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 628 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,325 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES