Yellow rainfall warning nakataas sa Albay, Camarines Sur

By Angellic Jordan October 25, 2020 - 03:08 PM

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay dulot pa rin ng Severe Tropical Storm Quinta.

Nakataas ang yellow warning sa Albay at Camarines Sur.

Samantala, mararanasan naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Camarines Norte at Northern Samar.

Iiral ang nasabing sama ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: Bagyong Quinta, breaking news, Inquirer News, pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Severe Tropical Storm Quinta, weather update October 25, Bagyong Quinta, breaking news, Inquirer News, pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Severe Tropical Storm Quinta, weather update October 25

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.