Publiko, hinimok ng Palasyo na paigtingin pa ang bayanihan sa gitna ng COVID-19 pandemic
Hinihimok ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang publiko na paigtingin pa ang diwa ng bayanihan habang kinakaharap ang pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Andanar, dapat sumunod sa health protocols at BIDA Solusyon campaign ng pamahalaan na naglalayong bigyan ng sapat na impormasyon ang publiko para makaiwas sa COVID-19.
“Bakit mahalaga ang maging “Bida Solusyon”? Dahil ang tagumpay natin sa paglaban sa COVID-19 ay nakasalalay sa bawat isa. Kapag sumusunod tayo sa panuntunan, walang problema at makatutulong ka pa para maiwasan ang pagkalat ng sakit [Why is BIDA Solusyon important? Because the success in our fight against COVID-19 relies on each one of us. When we follow the guidelines set, there will be no problem and you can also help prevent the spread of COVID-19],” pahayag ni Andanar.
Ibig sabihin ng #BIDASolusyon (Be The Solution) ay B para sa Bawal walang mask; I para I-sanitize ang mga kamay, iwas hawak sa mga bagay; D para Dumistansya ng isang metro; at A para Alamin ang totoong impormasyon.
“Likas na sa mga Pilipino ang spirit of bayanihan, kaya sana ipakita natin ang bayanihan sa pagtugon sa COVID-19. Kailangan natin ang malakas, magkakatugma, at sama-samang pagtugon upang labanan ang virus na ito [The spirit of bayanihan is so inherent among Filipinos, so I hope we can show bayanihan in our COVID-19 response. We need a strong, coordinated, and collective response to fight this virus],” dagdag ng kalihim.
Hinihikayat ni Andanar ang lahat na panatilihin ang mainam na pag-uugali at mga kasanayan na naka-angkla sa BIDA Solusyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.