Telecom partnership ng SMC at Telstra, hindi na tuloy
Mag-isa nang papasukin ng San Miguel Corporation (SMC) ang industriya ng telecommunications sa bansa.
Ito’y dahil hindi naging matagumpay ang sana’y partnership nila ng Australian firm na Telstra na dapat susubok sa umiiral na mobile phone duopoly sa bansa.
Ayon kay SMC president at COO Ramon Ang, ginawa naman ng SMC at ng Telstra ang lahat para resolbahan ang mga isyu, ngunit, nag-desisyon na ang dalawang kumpanya na huwag na lamang ituloy ang negosasyon.
Naniniwala si Ang na ito ang mas makabubuti sa dalawang kumpanya. Tinatayang aabot sa $1 milyon ang halaga ng proposed venture sa pagitan ng SMC at ng Telstra.
Sa kabila naman ng kabiguang maituloy ang kasunduan, tiniyak pa rin ng SMC na itutuloy pa rin nila ang paglulunsad ng kanilang telecommunications network, kasama na ang high-speed internet service base sa kanilang schedule.
Ayon pa kay Ang, oras na mai-lunsad ang kanilang telecom network, makakaranas ang mga tao ng mas magandang serbisyo sa mas mababang halaga.
Sinabi naman ng isang source na ang physical infrastructure para sa wireless service ng SMC ay malapit nang matapos, at halos ‘fully deployed’ na tin ang mge cell sites sa Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.