VP Robredo, nakasailalim sa quarantine

SENATE PRIB PHOTO

Inanunsiyo ni Vice President Leni Robredo na nakasailalim siya sa quarantine.

Sa kaniyang regular radio program na “Biserbisyong Leni,” sinabi ni Robredo na ito ay dahil nagkaroon siya ng exposure sa isang COVID-19 positive.

“Na-expose ako noong Huwebes. Na-expose ako sa isang nag-[COVID-19] positive. So sumunod kami sa protocols,” pahayag ni Robredo.

Nakasailalim din aniya sa quarantine ang ilan sa kaniyang mga staff.

Dahil dito, kinailangan aniyang kanselahin ang ilang physical meeting noon Biyernes at Sabado at ginawa na lamang online.

“So hindi muna matutuloy ‘yung Monday, Tuesday [schedule] namin. Hopefully, ma-swab [test] na kami kasi ‘pag na-clear na kami, tuloy na ulit,” ani Robredo.

Gayunman, tiniyak ni Robredo na tuloy pa rin ang kanilang trabaho.

Read more...