Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 42.94 milyon
Umabot na sa mahigit 42.94 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 42,946,446 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 8,827,932 cases.
Sumunod na rito ang India na may 7,864,811 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 5,381,224 naman ang kaso sa Brazil habang 1,497,167 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Spain – 1,110,372
– France – 1,086,497
– Argentina – 1,081,336
– Colombia – 1,007,711
– Mexico – 886,800
– Peru – 886,214
– United Kingdom – 854,010
– South Africa – 714,246
– Iran – 562,705
– Italy – 504,509
– Chile – 500,542
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,154,857 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 31,673,006 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.