Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, halos 7,000 na

Aabot sa 43 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (October 24), 6,998 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 592 ang aktibo pang kaso.

70 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 6,384 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 22 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...