Nakoronahan si Rabiya Mateo mula sa Iloilo City bilang Miss Universe Philippines 2020.
Isinagawa ang coronation ceremonies ng pageant sa Baguio Country Club, Linggo ng umaga.
Nagwagi ang 22-anyos na si Mateo laban sa mahigit 40 kandidata.
Itinanghal naman si Ysabella Ysmael mula sa Parañaque City bilang first runner-up habang si Michele Gumabao mula sa Quezon City ang second runner-up.
Third runner-up naman si Pauline Amelinckx mula sa Bohol at si Kimberly Hakenson mula sa Cavite ang fourth runner up.
Samantala, nanalo rin si Mateo sa Best in Swimsuit sa preliminary competition noong October 21.
Si Mateo ang magiging pambato ng Pilipinas upang maging ikalimang Filipina na mag-uuwi ng Miss Universe crown.
READ NEXT
#QuintaPH, napanatili ang lakas habang papalapit sa Bicol region; Mga lugar na nakataas sa Signal no. 1, nadagdagan pa
MOST READ
LATEST STORIES