Rabiya Mateo, itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2020

By Angellic Jordan October 25, 2020 - 11:20 AM
Photo credit: Miss Universe Philippines/Facebook

Nakoronahan si Rabiya Mateo mula sa Iloilo City bilang Miss Universe Philippines 2020.

Isinagawa ang coronation ceremonies ng pageant sa Baguio Country Club, Linggo ng umaga.

Nagwagi ang 22-anyos na si Mateo laban sa mahigit 40 kandidata.

Itinanghal naman si Ysabella Ysmael mula sa ParaƱaque City bilang first runner-up habang si Michele Gumabao mula sa Quezon City ang second runner-up.

Third runner-up naman si Pauline Amelinckx mula sa Bohol at si Kimberly Hakenson mula sa Cavite ang fourth runner up.

Samantala, nanalo rin si Mateo sa Best in Swimsuit sa preliminary competition noong October 21.

Si Mateo ang magiging pambato ng Pilipinas upang maging ikalimang Filipina na mag-uuwi ng Miss Universe crown.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Kimberly Hakenson, Michele Gumabao, Miss Universe Philippines 2020, Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, Pauline Amelinckx, Rabiya Mateo, Radyo Inquirer news, Ysabella Ysmael, breaking news, Inquirer News, Kimberly Hakenson, Michele Gumabao, Miss Universe Philippines 2020, Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, Pauline Amelinckx, Rabiya Mateo, Radyo Inquirer news, Ysabella Ysmael

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.