#QuintaPH, napanatili ang lakas habang papalapit sa Bicol region; Mga lugar na nakataas sa Signal no. 1, nadagdagan pa

By Angellic Jordan October 24, 2020 - 05:50 PM

Napanatili ang lakas ng Tropical Depression Quinta habang papalapit sa Bicol region, ayon sa PAGASA.

Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 610 kilometers Silangan ng Juban, Sorsogon dakong 4:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na sa 20 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:
– Marinduque
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Northern Samar
– Northern portion ng Masbate (Mobo, Uson, Milagros, Masbate City, Baleno, Mandaon, Balud, Aroroy, Dimasalang) kabilang ang Ticao at Burias Islands
– Southern portion ng Quezon (Atimonan, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Guinayangan, Calauag, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Perez)

Ayon sa weather bureau, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Bicol region sa pagitan ng Linggo ng gabi (October 25) at Lunes ng madaling-araw (October 26).

Posible ring lumakas pa at umabot sa Tropical Storm ang bagyo sa susunod na 12 oras.

Ayon pa sa PAGASA, maaaring umabot sa Severe Tropical Storm ang bagyo bago mag-landfall.

Bunsod ng trough ng Bagyong Quinta at Severe Tropical Storm Saudel na dating Pepito ay asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Central Luzon, MIMAROPA, Bicol region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, Caraga at Quezon.

TAGS: Bagyong Quinta, breaking news, Inquirer News, Pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer news, Tropical Depression Quinta, weather update October 24, Bagyong Quinta, breaking news, Inquirer News, Pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer news, Tropical Depression Quinta, weather update October 24

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.