Metro Manila at ilang sa Luzon, patuloy na uulanin

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 4:11 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Pampanga at Bataan.

Maaapektuhan din ang San Felipe, Cabangan at Botolan sa Zambales; Tagaytay at Alfonso sa Cavite; San Miguel sa Bulacan; Santa Maria, Nagcarlan, Liliw at Majayjay sa Laguna; Mulanay, San Narciso, San Andres at San Francisco sa Quezon; Zaragoza, Nueva Ecija; Rodriguez, Rizal; at Batangas.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...