Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 660 kilometers Silangan ng Catarman, Northern Samar o dakong 730 kilometers Silangan ng Juban, Sorsogon dakong 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na sa 30 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Catanduanes.
Ayon sa weather bureau, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Bicol region sa pagitan ng Linggo ng umaga (October 25) at Lunes ng umaga (October 26).
Posible ring lumakas pa at umabot sa Tropical Storm ang bagyo sa susunod na 12 oras.
Ayon pa sa PAGASA, maaaring umabot sa Severe Tropical Storm ang bagyo bago mag-landfall.
Bunsod ng trough ng Bagyong Quinta at Severe Tropical Storm Saudel na dating Pepito ay asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Central Luzon, MIMAROPA, Bicol region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao at Caraga.
Ang Severe Tropical Storm Saudel ay nasa labas na ng bansa.