Oras ng botohan, maaring i-extend ng COMELEC

By Kathleen Betina Aenlle March 14, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

May kapangyarihan ang Commission on Elections (COMELEC) na pahabain ang oras ng halalan kung kinakailangan.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, pinapayagan naman ng Konstitusyon ang pag-extend sa oras ng halalan, lalo’t kung kailangan ito ng COMELEC para lang maipatupad ang utos ng Supreme Court ukol sa pag-iisyu ng voters’ receipt.

Ani Drilon, hindi naman nakasaad sa batas na kailangang matapos ang halalan sa loob ng 24 oras, at may kapangyarihan ang COMELEC na magdesisyon kung ilang oras ang kailangan nilang idagdag.

Ang mahalaga ani Drilon ay maisagawa ang halalan sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo tulad ng nakasaad sa Saligang Batas.

Isa si Drilon sa mga tumututol sa pagpapaliban ng botohan nang dahil lang sa katwiran ng COMELEC na kakulangan sa preparasyon at mga problemang teknikal kung itutuloy ang pag-iisyu ng resibo.

Gayunman, suportado naman ng Senador ang ideya ng pagpapahaba na lamang ng oras ng halalan, kahit pa abutin ito ng kinabukasan dahil wala namang nakasaad sa batas na ipinagbabawal ito.

Matatandaang ang pinangangambahan ng COMELEC matapos ibaba ng Supreme Court ang desisyon tungkol sa pagbibigay ng voters’ receipt, ay ang pagkaka-antala ng halalan dahil sa hindi anila handa ang mga makina at kanilang mga tauhan kaugnay dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.