Ginastos sa 30th SEA Games dapat ipaliwanag ng Phisgoc – Sen. de Lima

By Jan Escosio October 23, 2020 - 06:15 PM


Sang-ayon si Senator Leila de Lima sa panawagan ng Philippine Olympic Committee (POC) na ipaliwanag ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang ginastos sa nagdaan 30th Southeast Asian Games sa bansa noong nakaraang taon.

Naglabas ng pahayag sa isyu si de Lima nang malaman na hindi pa rin malinaw kung magkano ang talagang kinita at ginastos ng sporting event.

“Until now, one year after the country’s hosting of the biennial competition, the Filipino public is still left in the dark with regards to how PHISGOC spent billions on last year’s Southeast Asian Games,” sabi nito.

Diin ng senadora hindi naman dapat balewalain ang posibleng korapsyon at nararapat lang aniya na managot ang dapat papanagutin.

Una nang inihayag ng POC ang kanilang kahandan na gumawa ng aksyon-legal laban sa Phisgoc dahil sa kawalan pa rin ng financial report.

Una nang pinalawig ang pagsusumite ng financial report noong Oktubre 10 ngunit wala pa rin naisusumite sina Phisgoc chairman at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano gayundin si Phisgoc chief operating officer Ramon Suzara.

TAGS: 30th SEA Games opening ceremony, PHISGOC, poc, Senator Leila De Lima, 30th SEA Games opening ceremony, PHISGOC, poc, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.