Matapos ang deklarasyon ni Pope Francis sa same-sex union, muling itinulak ni Senator Imee Marcos ang pagpayag sa ‘joint property ownership’ ng nagsasamang magkatulad ng kasarian tulad ng ordinaryong mag-asawa.
Layon ng Senate Bill 417 na maging remedyo dahil sa kawalan ng batas ukol sa same-sex union para ang mga miyembro ng LGBT community na may partner ay magkaroon ng ‘property rights.’
Kabilang ang “An Act Instituting A Property Regime For Cohabiting Same Sex Partners And For Other Purposes,” sa mga unang panukalang batas na inihain ni Marcos nang maupo siya bilang senador noong 2019.
Naniniwala ito na ang kanyang panukala ang magiging daan para magkaroon na ng batas ukol sa civil unions ng mga miyembro ng LGBT community tulad ng pinaboran ng Santo Papa.
“ What we have to create is a civil union law. That way they are legally covered,”diin nito at aniya, “it’s time to seriously take up legislation that will benefit our relatives, friends, and workmates who are part of the LGBT community.”
Dagdag pa ni Marcos at gaya ng sinabi ni Pope Francis, “ homosexual people have the right to be in a family. They are children of God.”