Dalawang sundalo at dalawang militia member ang nasugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.
Ang insidente ang pangatlo na simula noong nakaraang buwan sa nasabi din lugar at 11 sundalo na ang nasugatan sa mga naunang pagsabog.
Pinaniniwalaan na ang panibagong road bombing ay kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Dawah Islamiyah, na paksyon ng Islamic State.
Sinabi ni Western Mindanao Command (Wesmincom) commander, Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., nagsasagawa ang security at road-mine clearing operations ang mga tauhan ng Joint Task Force Central sa Barangay Salman nang maganap ang panibagong insidente.
Sinabi nito na ginamit bilang anti-personnel mine ang IED.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.