Bagyong Quinta patuloy na kikilos pa-Kanluran; posibleng mag-landfall sa Bicol Region

Patuloy na kikilos ng pa-Kanluran ang Tropical Depression Quinta at inaasahang tatama ito sa kalupaan ng Bicol Region.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 900 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-Kanluran.

Inaasahang lalakas pa ito at magiging isang tropical storm.

Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang bagyo saanmang panig ng bansa.

 

 

 

Read more...