BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 351,740
Mas mababa muli sa 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 na naitala sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Biyernes (October 23), umabot na sa 365,799 ang confirmed cases ng sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 46,193 ang aktibong kaso.
83.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.3 porsyento ang asymptomatic; 1.8 porsyento ang severe habang 3.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Sinabi ng kagawaran na 1,923 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 132 ang dagdag na napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,915 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 424 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 312,691 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.