Talamak na korapsyon sa Port Capinpin sa Bataan, inalmahan

Umaalma ang ilang mga dumadaong sa itinalagang crew change hub ng pamahalaan sa Port Capinpin sa Orion, Bataan dahil sa sinasabing korapsyon doon.

Partikular na tinukoy ang ginagawang paniningil ng sobra-sobra ng mga taga Bureau of Customs (BOC), Bureau of Quarantine (BOQ), at Bureau ofImmigration (BI) sa nasabing pantalan.

Base sa dokumentong nakuha ng Radyo INQUIRER, lumalabas na naniningil ang mga nasabing ahensya ng mas mahal na “facilitation fees” kumpara sa ibang designated crew change hubs.

Sinasabing naniningil ng $2,850 sa Port Capinpin kumpara sa $500 sa Port of Manila para sa Customs Bonding, Customs Entrance Clearance, Customs Inspection, Medical Quarantine, Plant/Animal/Fishery Quarantine at Incidental to Port Authority Charges na mas mataas ng $2,350.

Bukod dito, mataas din ang kinokolektang Immigration stamping sa Port Capinpin na aabot sa $600 kumpara sa $200 sa Port of Manila.

Ang Customs Conduction na $100 lamang sa Port of Manila pero $600 sa Port Capinpin.

Umaabot naman sa kabuuang $1,500 ang crew changing fees sa Port Capinpin habang $800 lamang sa Port of Manila o mas mataas ng $700.

Sa kabuuan, sa Port of Manila ay $14,850 lamang ang kinokolekta sa mga services nito kumpara sa $20,345 na sinisingil sa Port Capinpin.

Ibinaba ng pamahalaan sa kalahati singil sa Port Capinpin upang makahikayat ng maraming shipping companies na doon dumaong at madecongest ang Port of Manila.

Mula naman sa $7,290 na port due sa Port of Manila ibinaba ito ng limampung porsyento o ginawang $3,645 sa Port Capinpin gayundin ang anchorage fee sa Port Capinpin ay ginawang $900 kumpara sa $1,800 na sinisingil sa Port of Manila.

 

 

Read more...