LOOK: Updated guidelines sa pag-iral ng GCQ sa Parañaque City

Nagpalabas ng updated guidelines ang Parañaque City government sa pag-iral ng general community quarantine sa lungsod.

Ayon sa abiso ng LGU, iiral ang curfew sa lungsod mula 12:00 hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Ang mga lalabag sa curfew ay aarestuhin.

Lifted na ang Home Quarantine Pass requirement.

Ang operational hours para sa mga sari-sari store, palengke at talipapa ay 6:00AM to 6:00PM.

Sa mga Dining/Restaurants naman, ang Dine-In ay 6:00AM to 11:00PM at 24-oras naman ang delivery.

Ang iba pang business establishments ay 6:00AM to 11:00PM ang operasyon.

50 percent lang ng capacity ang papayagan sa Dine-In Services.

Lifted na din ang Liquor Ban simula ngayong araw, Oct. 23 at pwede nang magbenta ng at mag-serve ng alak mula 6:00AM to 11:00PM.

Paalala ng LGU mandatory ang pagsusuot ng face shield at face mask sa workplaces, public transportation at iba pang indoor public places.

 

 

Read more...