Panukala upang siguruhin ang benepisyo ng mga agricultural workers ipinamamadali sa Kamara
Kinalampag ni AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin ang Kamara para sa pagpapatibay sa panukala na magbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga agricultural workers.
Sa ilalim ng House Bill 3371 o Magna Carta of Agricultural Development Workers ni Garin, palalakasin ang karapatan ng mga agricultural development workers sa pamamagitan ng dagdag na benepisyo, salary adjustment o pagtaas sa sweldo, tamang oras ng trabaho at iba pang insentibo.
Sakop ng agricultural development worker ang mga aquaculturists, veterinarians, agricultural engineers, nutritionists, agricultural extension workers, agricultural technicians and operators, gayundin ang mga allied agricultural professionals, administrative at support personnel anuman ang kanilang employment status.
Batay aniya sa 2015 Philippine Social Protection Note na inilathala ng World Bank, ang mga rural workers at agricultural laborers ang mayorya sa mga pinakamahihirap sa bansa.
Tinukoy pa ni Garin na marami sanang magagaling na agricultural workers sa bansa ngunit napipilitan naman ang mga ito na mag-abroad bunsod nang maliit na oportunidad na ibinibigay sa kanila dito.
Kapansin-pansin din aniya ang pagbaba ng mga agricultural workers sa Pilipinas batay sa tala ng PSA, mula sa 39.5% noong 1998, 35.7% noong 2016 at 25% na lamang noong 2018.
Sa ngayon nakabinbin Committee on Agriculture and Food na inihain noon pang nakalipas na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.