Ilang lalawigan sa Central Luzon nakararanas pa rin ng pag-ulan
By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2020 - 11:16 AM
Inuulan pa rin ang ilang mga lalawigan sa Central Luzon dahil sa trough ng Typhoon Saudel.
Ayon sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Biyernes (Oct. 23) ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa mga bayan ng Lubao at Floridablanca sa Pampanga.
Gayundin sa mga bayan ng Olongapo, Subic, Castillejos, San Antonio, at San Marcelino sa Zambales at sa buong Bataan.
Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.