Mga dayuhang may investors’ visa pwede nang makapasok sa bansa

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) na makapasok sa bansa ang mga dayuhan na mayroong investors visa.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, magsisimula ang pagtanggap sa mga dayuhang investors’ visa holder sa Nov. 1

Sinabi ni Roque na subject sa ilang kondisyon ang pagpasok sa bansa ng nasabing mga dayuhan.

Kabilang dito ang pagkakaroon dapat nila ng pre-booking sa accredited quarantine facility ng pamahalaan.

“The entry of these foreign nationals to the country, however, is subject to conditions, such as they must have valid and existing visa at the time of the entry and must likewise have a pre-booked accredited quarantine facility,” ani Roque.

Kasama din sila sa kailangang sumunod sa ipinatutupad na maximum capacity ng inbound passengers.

 

 

 

Read more...