Muntinlupa City LGU nagpasa ng ordinansa na magpapataw ng parusa sa mga prank caller
Maari nang mapatawan ng parusa ang mga prank caller sa Muntinlupa City.
Sa ipinasang City Ordinance No. 2020-141 o Anti-Prank Callers Ordinance may karampatang parusa na ang magsasagawa ng prank calls sa anumang emergency hotlines ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.
Ang sinumang mga lalabag ay maaring mapatawan ng multa na P1,000 hanggang P5,000 at pagkakakulong na 30 hanggang 90 days.
Ang mga menor de edad naman na lalabag ay may katapat na parusa na mandatory whole-day seminar sa unang paglabag.
Withdrawal ng scholarship grantee sa second offense at multang P300 kapag non-grantee.
At multang P500 sa 3rd offense.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.