Parlade walang balak mag-sorry kay Liza Soberano

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2020 - 10:20 AM

Walang balak si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na humingi ng paumanhin sa aktres na si Liza Soberano sa isyu ng “red-tagging”.

Noong Martes, hinimok ni Parlade si Soberano na itigil ang pagsuporta sa women’s group na Gabriela.

Ito ay kasunod ng paglabas ni Soberano sa webinar ng Gabriela Youth na may titulong “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voices on the International Day of the Girl Child,”.

Ayon kay Parlade dapat malaman ni Soberano ang totoong agenda ng party-list group.

Sinabi ni Parlade na nakatanggap pa siya ng tawag mula sa abogado ni Soberano at nagpapasalamat ito sa kaniya at ang pamilya ng aktres.

Dahil dito, sa tingin ng opisyal ay wala umano siyang dapat na ihingi ng paumanhin sa aktres.

 

 

TAGS: AFP, Inquirer News, Liza Soberano, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Tagalog breaking news, tagalog news website, AFP, Inquirer News, Liza Soberano, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.