Hinihinalang miyembro ng NPA arestado sa Pasig

Naaresto sa Pasig City ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ang suspek ay nadakip sa Barangay Pinagbuhatan na kinilalang si Esteban Sergio Sales, 59 anyos.

Miyembro umano si Sales ng Kilusang Larangang Guerilla, Bicol Region Party Committee at hinihinalang miyembro din ng Komite Seksiyon sa Platon (KSPN 1) at Komite on Section sa Iskwad (KSSI 1).

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Debold Sinas si Sales ay mayroong patong na P700,000 sa kaniyang ulo.

Nagtungo ang mga otoridad sa bahay ni Sales sa Sitio Pinalad, Centennial 2 para isilbi ang warrant of arrest sa kasong murder at malicious mischief.

 

 

 

Read more...