Ilang lalawigan sa Central Luzon patuloy na makararanas ng pag-ulan
By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2020 - 09:10 AM
Uulanin pa rin ang ilang mga lalawigan sa Central Luzon dahil sa trough ng Typhoon Saudel.
Ayon sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Biyernes (Oct. 23) ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Bulacan.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan din ang nararanasan na sa Zambales, Bataan, Pampanga at Tarlac.
Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.