Female cadet, ‘Class Goat’ ng Gabay Laya class of 2016

By Jay Dones March 14, 2016 - 04:14 AM

 

Ev Espiritu/Inquirer

Sa ikalawang pagkakataon, babae muli ang tinaguriang ‘class goat’ ng Philippine Military Academy ngayong taong ito.

Ang bansag na ‘class goat’ ay iginagawad sa kadete na nasa pinakahuli ng listahan ng isang graduating class sa PMA.

Gayunman, sa halip na kantyaw, pagkilala pa ang ibinibigay ng kapwa niya ‘mistah’ sa tinaguriang ‘class goat’ dahil sumisimbolo ito ng todong pagsusumikap ng kadete na matapos ang kurso at maka-graduate.

Sa graduation ceremony ng Gabay Laya Class of 2016 kahapon sa Baguio City, kinilala si Army 2nd Lt. Jean Carla Bermudez bilang ‘class goat’.

Si Bermudez ang ikalawang babaeng kadete na binigyan ng naturang pagkilala kung saan si Air Force 2nd Lt. Ernalyn Fernando ang una noong 2014.

Samantala, si Navy Ensign Kristian Daeve abiqui naman ang kinilala bilang class Valedictorian sa taong ito.

Nasa 63 lamang ang mga kadeteng bahagi ng Gabay Laya Class of 2016 na siyang pinakamababang bilang ng mga nagtapos sa PMA sa loob ng 40 taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.