Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng mahigit 453,000 sa magdamag
Umabot na sa mahigit 41.9 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes, (Oct. 23) ay 41,940,505 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 453,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 67,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 54,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 31,000 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 8,652,842
India – 7,759,640
Brazil – 5,332,634
Russia – 1,463,306
Spain – 1,090,521
Argentina – 1,037,325
France – 999,043
Colombia – 990,270
Peru – 879,876
Mexico – 867,559
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.