2nd tranche ng SAP para sa 67,000 na waitlisted na mga residente sa QC ipamamahagi ngayong araw
Aabot sa 67,000 mga residente ng Quezon City ang makatatanggap ng ayuda ngayong araw sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sila ay kabilang sa 168,872 waitlisted na kwalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng GCash.
Kahapon, 4,000 na ang nakatanggap ng ayuda at nasa 67,000 naman ang mabibigyan ngayong araw.
Ang iba pang benepisyaryo ay makakatanggap ng notification mula sa GCash sa mga susunod na araw.
Para sa iba pang waitlisted at maging first batch na hindi pa natatanggap ang kanilang second tranche SAP, patuloy na nakikipagugnayan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa DSWD para sa payment ng ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.