Isa kasi ito sa mga napag-usapan nila ni Swiss Ambassador Andrea Reichlin sa kaniyang pagbisita sa Camp Darapanan ng MILF sa Sultan Kudarat, Maguindanao noong Huwebes.
Ipinaabot ni Ebrahim ang kaniyang hinaing kay Reichlin at sinabing natatakot sila na baka mas piliin ng mga nakababatang Moro ang pagiging radikal bilang kapalit ng peace process sa Mindanao.
Umasa kasi aniya silang lahat na ang BBL na ang magdadala ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao dahil mapapayagan na ang mga Bangsamoro na pamahalaan ang kanilang mga sarili.
Sang-ayon rin naman dito si Reichlin at sinabing posibleng maging kapital ng mga extremists at radical groups ang pagka-dismaya ng mga tao sa hindi pagsasabatas ng BBL para makapag-recruit pa ng mga miyembro.
Gayunman, tiniyak ni Reichlin sa MILF na ipagpapatuloy ng kanilang bansa ang pagpapatuloy ng peace process sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.
Umaasa rin siyang maipapatupad pa ang napagkasunduang BBL.