Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 54,000 pa

Umabot na sa 7.7 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 54,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 7,759,640 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.9 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 695,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na halos 700 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 117,336 na.

 

 

Read more...