SMC bibili ng mas maraming plastic wastes para sa kanilang cement manufacturing facilities

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2020 - 06:49 AM

Mas palalawigin pa ng kumpanyang San Miguel Corporation (SMC) ang pagbili nito ng plastic wastes para sa kanilang cement manufacturing facilities.

Bahagi ito ng inisyatibo ng SMC para makatulong sa waste management sa bansa.

Kamakailan, sinabi ni SMC na ititigil n anito ang pggamit ng plastic bottled water business, magtatayo ito ng recycled plastics road, at gagastos ng bilyon-bilyong piso para sa mainis mula sab asura ang mga major river system sa bansa.

Ayon sa pahayag ng SMC, ang kanilang Northern Cement Corporation (NCC) ay kayang magkapag-consume ng 1.5 million tons ng plastic waste kada taon.

Sa pamamagitan nito, mababawasan ng hanggang 50% ang paggamit ng kumpanya sa traditional fuel at sa halip ay papalitan ng plastic wastes.

“Technology to safely convert plastic waste to energy has existed for a long time, in fact, Northern Cement has been using this on a smaller scale. Other major manufacturers, both locally and globally, have also been using this. It’s a more environment-friendly and sustainable alternative to using traditional fuels,” sinabi ni SMC president at COO Ramon S. Ang.

Gagamitin ang plastic wastes para maisuplay ang enerhiyang kailangan sa operasyon ng NCC.

Kamakailan ay natapos na ang itinatayong materials handling facility ng NCC sa Pangasinan.

Dahil dito, ligtas nang makapagkukulekta at makapag-iimbak ng plastic waste na ico-convert sa energy.

“With our materials handling facility ready, we can now expand this program. We are calling on assemblers, local governments, and companies, to collect and sell your plastic wastes to us. Together, we can help our environment in a substantial way, and at the same time, create more livelihood opportunities for so many Filipinos during this time of pandemic,” dagdag ni Ang.

Makatutulong din ito na makapagbigay ng hanapbuhay sa maraming Filipino dahil kukuha ang SMC ng mga plastic collectors.

TAGS: BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, Northern Cement Corporation, Radyo Inquirer, Ramon Ang, San Miguel Corporation, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, Northern Cement Corporation, Radyo Inquirer, Ramon Ang, San Miguel Corporation, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.