Alas-dyes ng umaga mamaya ay gaganapin ang kauna-unahang “Meet the Inquirer Multimedia” Forum.
Ito ay isang no-holds-barred discussion kasama ang buong news platforms ng Inquirer Group of Companies at Inquirer Central Desk.
Panauhin mamaya sa forum si Comelec Chairman Andy Bautista na inaasahang magbibigay ng updates kaugnay sa preparasyon para sa 2016 National Elections.
Ang Meet the Inquirer Multimedia Forum ay lalahukan ng mga editors, reporters at columnists mula sa Phil. Daily Inquirer, Inquirer.Net, Inquirer Bandera, Radyo Inquirer 990AM at Inquirer Socia Media.
Ang publiko ay inaanyayahang magpadala ng kanilang mga tanong sa pamamagitan ng twitter ang hastag na #MeetInquirer.
Ang nasabing forum ay mapapakinggan mamayang 10am sa Radyo Inquirer Nueve Noventa at live din ang audio streaming sa radyo.inquirer.net at sa www.inquirer.net / Den Macaranas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.