COVID-19 cases sa Central Visayas, halos 22,000 na

Nagkaroon pa ng 32 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 22, 21,955 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 906 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 28 ang bagong gumaling kung kaya 19,720 na ang COVID-19 recoveries.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,329 pa rin ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...