Aabot sa 30 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (October 22), 6,934 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 636 ang aktibo pang kaso.
40 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 6,276 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
May isa namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 22 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.