PBA: Talk ‘n Text pinataob ang Blackwater, 109 – 96

By Jan Escosio October 22, 2020 - 08:51 PM

Photo: PBA

Hindi naramdaman ng TNT Tropang Giga ang kawalan ni Jayson Castro sa pakikipagharap nila sa Blackwater sa PBA Philippine Cup bubble play sa AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.

Nagsanib puwersa sina RR Pogoy, Troy Rosario, Ray-Ray Parks, Simon Enciso at Poy Erram para talunin ang Blackwater, 109-96, at masungkit ang kanilang pang-limang panalo.

Sinabi ni TNT coach Bong Ravena alam ng kanyang players ang nakataya at ang kanilang motibo sa paglalaro sa bubble play.

Aniya kahit sino pa ang kanilang makaharap ay hindi magbabago ang ipinapakita nilang intensidad sa paglalaro.

Binanderahan ni Pogo yang TNT sa pag-iskor ng 20 puntos, pagsungkit ng pitong at rebounds, bukod sa naitala niyang four assists at three steals.

Hindi nakapaglaro si Castro dahil sa isyu sa kanyang kanan binti.

Pinangunahan naman ni ex-TNT player Don Trollano ang Blackwater sa kanyang 23 puntos.

TAGS: Angeles City, AUF Sports Arena, blackwater, Pampanga, PBA Philippine Cup bubble play, TNT Tropang Giga, Angeles City, AUF Sports Arena, blackwater, Pampanga, PBA Philippine Cup bubble play, TNT Tropang Giga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.