Panukala para sa minimum na 10Mbps na internet connection, ipinamamadali

By Erwin Aguilon October 22, 2020 - 08:28 PM

Hinimok ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang Kamara na pagtibayin na ang House Bill 28 o ang Faster Internet Services Act na layong obligahin ang internet service providers (ISPs) na mag-deliver ng 10 megabytes per second (Mbps) na minimum internet speed.

Sa ilalim nito, binibigyang mandato ang National Telecommunications Commission (NTC) na obligahin ang ISPs at Public Telecommunications Entities (PTEs) na magbigay ng minimum download speed na 10 Mbps para sa lahat ng broadband internet access, ito man ay mobile, fixed, or fixed wireless internet.

Para makasunod ang ISPs at PTEs sa hinihinging minimum speed ay kailangang i-modify o ayusin ang mga linya ng telekomunikasyon o kaya ay palawigin ang mga imprastraktura para makapagpatakbo ng mas mataas na bandwidth capacity na ibabatay sa bilang ng mga subscribers na gumagamit ng kanilang serbisyo.

Sa oras na maging ganap na batas ay mahaharap sa multang P5 milyon ang alinmang ISP o PTE na hindi makakasunod sa minimum standards ng internet connection.

Ang panawagan ng kongresista ay kasunod na rin ng ulat kamakailan na dalawang magkapatid sa Bohol ang nasawi matapos makuryente habang inaayos ang kanilang internet device na gagamitin para sa online class.

Ang naganap na trahedya aniya ay indikasyon na kailangan na ng mas mabilis at mas maayos na internet service sa bansa lalo pa ngayon na nakadepende ang mga estudyante sa internet para sa kanilang pag-aaral.

TAGS: 10Mbps internet connection, 18th congress, Faster Internet Services Act, House Bill 28, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Ruffy Biazon, 10Mbps internet connection, 18th congress, Faster Internet Services Act, House Bill 28, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Ruffy Biazon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.