Aktres na si Liza Soberano iniingatan lamang ng AFP – Malakanyang

Photo grab from PCOO Facebook video

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na iniingatan lamang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang aktres na si Liza Soberano na magamit ng makakaliwang grupo.

Pahayag ito ng Palasyo matapos pagsabihan ni Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. si Soberano na mag ingat sa mga pananalita sa publiko.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naiintindihan naman ng AFP na may isinusulong na adbokasiya ang aktres pero mas makabubuti pa rin ang mag-ingat.

“Well, tingin ko naman sa statement mismo ng AFP, sinabi naman niya walang ganoon. Pinag-iingatan lang nila sila na baka mamaya magamit sila ng left. Pero naintindihan naman po ng Hukbong Sandatahan na sila po’y nag-a-advocate lang ng karapatan ng kababaihan. Pero siyempre ingat din po,” pahayag ni Roque.

Una nang pinayuhan ni Parlade si Soberano na iurong na ang pagsuporta sa women’s group na Gabriela sa pangambang matulad sa esdutaynte na si Josephine Anne Lapira na napatay sa shootout sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) noong 2017.

Read more...