Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 363,888
Mahigit 1,600 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebez (October 22), umabot na sa 363,888 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 44,772 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,664 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.2 porsyento ang asymptomatic; 1.9 porsyento ang severe habang 3.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 38 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,783 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 843 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 312,333 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.