Mga gumaling sa COVID-19 sa Muntinlupa City, 4,362 na

Nasa 4,584 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 22), sa nasabing bilang ay 73 ang aktibong kaso.

448 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 123 ang suspected cases.

Samantala, 4,362 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 149 pa rin ang nasawi.

Read more...