Pasko ng mga Manileño tiyak na magiging masaya – Mayor Isko Moreno
Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na magiging masaya pa rin ang Pasko ng mga Manileño.
Ayon kay Mayor Isko, naghahanap na siya ng pamamaraan para masiguro na may maihahain sa mesa ang bawat pamilya sa Pasko.
Nais ni Mayor Isko na masiguro na hindi mawawalan ng pag asa ang mga taga-Maynila kahit na kaliwa’t kanang pagsubok ang dumarating ngayon.
May inihahanda ring espesyal na regalo si Mayor Isko sa mga senior citizens.
Nanawagan din si Mayor Isko sa mga employer na ibigay na lamang bilang regalo sa kanilang mga empleyado ang Christmas Party funds habang ipinagbabawal ang pagdaraos ng mga party sa opisina.
Patuloy namang pinag iingat ni Mayor Isko ang mmga Manileño lalo na’t nananatili ang banta ng COVID-19 sa loob at labas ng Lungsod ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.