Asian climate warriors, sasailalim sa training ni Al Gore
Nasa bansa ngayon si dating US vice president at environmentalist Al Gore para personal na daluhan ang simula ng pagsasanay ng mahigit 700 climate warriors mula sa iba’t ibang panig ng Asya na nagtipun-tipon sa Maynila para sa “Climate Reality Leadership Training Corps.”
Para kay Gore, ang Pilipinas ay mayroon “moral authority” para manguna sa pagtulong sa mundo na talikuran ang matinding pag-depende sa coal plants dahil hindi ito praktikal, bagkus ay dapat mas piliin ang renewable energy.
Ito ay dahil sa tindi ng pinagdaanan ng bansa nang rumagasa sa siyam na rehiyon ang Superbagyong Yolanda na may international name na Haiyan.
Ngunit, lingid sa kaniyang kaalaman, 21 bagong coal-fired power plan projects na ang naaprubahan ng administrasyong Aquino.
Samantala, umani rin aniya ng respeto ang Pilipinas mula sa ibang bansa matapos hangaan ang bansa sa pagbangon mula sa pinsalang idinulot ng Yolanda.
Sa loob ng tatlong araw na training na gaganapin mula ngayong araw, March 14 hanggang sa Miyerkules, March 16 sa Hotel Sofitel, magsasalita ang mga kilalang climate scientists, communicators, storytellers at grassroots organizers para magbigay inspirasyon sa mga tao na kumilos na laban sa mga epekto ng climate change.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.