Pagkakaroon ng production hub sa Pilipinas ng COVID-19 vaccine ng Russia, isinusulong ni Rep. Robes
Nais ni House Committee on People Participation Chairman at San Jose del Monte City Rep. Florida Robes na gawing ‘production hub’ ng Russian COVID-19 vaccine ang Pilipinas.
Ayon kay Robes, inalok ni Russian Ambassador Igor Khovaev na magkaroon ng production hub ng bakuna sa bansa.
Sinabi anya rito ng ambassador na tanging ang bansa lamang sa buong mundo ang itinutulak ng Russia na magkaroon ng partnership sa produksyon ng Sputnik V.
Iginiit ni Robes na ang inaalok na joint partnership ng Russia sa Pilipinas ay makakatulong para mas lalong abot-kaya ang COVID-19 vaccines sa mga Pilipino gayundin ay makakatulong ito sa pagpapaunlad ng kaalaman at kadalubhasaan ng ating mga scientists para makalikha rin ng bakuna sa iba pang sakit.
Bukod dito, committed din ang Russia para sa long-term at robust strategic partnesrhip sa bansa kung saan ito ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino sa hinaharap.
Sa kasalukuyan ay nasa phase 1 at phase 2 clinical trials ang Sputnik V kung saan inaalam ang safety o kaligtasan ng bakuna sa pangunguna ng Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST) at Russina Direct Investment Fund.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.