Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 64 kilometersnortheast ng bayan ng Bayabas, alas-5:15 ng hapon ng Huwebes (October 22).
May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol na naganap sa lugar noong September 21.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
READ NEXT
Pagkakaroon ng production hub sa Pilipinas ng COVID-19 vaccine ng Russia, isinusulong ni Rep. Robes
MOST READ
LATEST STORIES