COVID-19 recoveries sa Quezon City, nasa 19,840 na

May naitala pang abgong mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 21,843 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Huwebes (October 22).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,387 o katumbas ng anim na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

19,840 o 91 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 616 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 19,883 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

 

 

 

Read more...