100,000 OFWs pa ang pauwi ng bansa sa susunod na mga buwan

Mayroong mahigit 100,000 pang overseas Filipinos ang uuwi sa bansa sa susunod na mga buwan.

Ayon ito kay Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III.

Ayon kay Bello target nilang mapauwi ang nasa 100,000 pang OFs bago matapos ang taon.

Ito kasi aniya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking walang Pinoy na stranded o mahihirapang makauwi sa bansa.

Dahil marami pang Pinoy ang pauwi, sinabi ni Bello na mahalagang matapos ang isyu sa pagitan ng Philippine Red Cross at PhilHealth para sa mas mabilis na usad ng swab test ng mga umuuwing Pinoy.

 

 

 

Read more...